ArmeniaKabisera: Yerevan
Uri ng Gobyerno: Republika Mga tanim: Grapes, Grains, Prutas, Gulay Industriya: Knitted wear forgoing-pressing machine, Electric Motors Mamamayan: Armenian Wika: Armenian, Russian Relihiyon: Armenian Orthodox |
AzerbaijanKabisera: Baku
Uri ng Gobyerno: Republika Mga tanim: Grains, Cotton, Rice, Grapes, Prutas, Gulay Industriya: Oil Field Equipment, Chemicals Mamamayan: Azerbaijani Wika: Azerbaijani, Russian, Armenian Relihiyon: Russian Orthodox |
Kasaysayan
Ang Armenia ay isa sa pinakamatandang sibilisasyon sa buong mundo. Isinama
ng bansa ang Bundok Ararat na ayon sa bibliya'y siyang bundok na tinigilan ng arko ni Noah pagkatapos ng baha sa kanilang teritoryo. Ito ang unang bansang tumangap sa Kristiyanismo noong 300 AD. Sa pamumuno ni Tigrane the Great, ang imperyo ng Armenia ay naging pinakamalakas na imperyo sa Asya na umaabot sa Caspian patungo sa dagat Mediterano. Sa kasaysayan ng bansa, ang Armenia'y nasakop ng iba't ibang mga imperyo. Sila'y nasakop na ng mga Griyego, Romano, Persyano, Byzantines, Mongols, Arabo, Ottoman Turks at mga Russian. Pagkatapos ng pagkatalo ng Turkey sa Unang Digmaang Pandaigdig, naitatag ang malayang Republika ng Armenia noong May 28, 1918. |
Ang hilagang Azerbaijan ay kilala bilang Caucasian Albania noon. Pagkatapos ng 11th siglo, ang bansa ay pinamunuan ng mga Turks at naging isang bansang kumikilala sa Shiite Muslim bilang relihiyon at mga kulturang Islam. Ang teritoryo ng Soviet Azerbaijan ay nakuha ng Russia mula sa Persian gamit ang Treaty of Gulistan noong 1813 at ng Treaty of Turkamanchai noong 1828. Pagkatapos ng rebolusyong Bolshevik, ipinahayag ng Azerbaijan ang kanilang kalayaan mula sa Russia noong Mayo 1918. Ang republika'y nasakop muli ng Red Army noong 1920 at idinugtong sa Transcaucasian Soviet Socialist Republic noong 1922. Ito'y itinatag bilang isang hiwalay na republikang Soviet noong Disyembre 5, 1936. Ipinahayag ng Azerbaijan ang kanilang kalayaan mula sa bumabagsak na Unyon noong Agosto 10, 1991.
|
Ang Georgia ay naging isang kaharian noong 4 BC at lumaganap ang Kristiyanismo dito noong 337 AD. Sa panunungkulan ni Reyna Tamara, ang teritoryo nito'y sumaklaw sa buong Transcaucasia. Sumanib ang bansa sa Azerbaijan at Armenia noong 1917 upang mabuo ang anti-Bolshevik Transcaucausian Federation at matapos ang pagkawala nito'y ipinahayag ng bansa ang kanilang kalayaan noong 1918. Taong 1922, naging Transcaucasian Soviet Socialist Republic ang Georgia, Armenia at Azerbaijan. Taong 1936 ay naging isang hiwalay na Republikang Soviet ang bansa. Ipinahayag ng Georgia ang kanilang kalayaan mula sa USSR noong Abril 6, 1991.
|
Heograpiya
Ang Armenia ay isa sa tatlong bansa sa katimugang Caucasus, sa pagitan ng Dagat Itim at ng Dagat Caspian. Pinalilibutan ito ng Turkey sa kanluran, Georgia sa hilaga, Azerbaijan sa silangan, at ng Iran at Naxichevan , isang bahagi ng Azerbaijan, sa timog.
|
Ang Azerbaijan ay isang bansa sa rehiyon ng Caucasus, sa daan na sumasabubong sa Europa at ang timog-kanlurang Asya, na may silangang baybayin sa Dagat Caspian. Pinaliligiran ito ng Russia sa hilaga, Georgia at Armenia sa kanluran, at Iran sa timog. Ang Awtonomong Republika ng Nakhichevan (isang bahagi ng Azerbaijan) ay pinaliligiran ng Armenia sa hilaga, Iran sa timog, at Turkiya sa kanluran.
|
Ang bansang Georgia ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Dagat Itim at timog - kanlurang bahagi ng Dagat Caspian. Ito ay napalilibutan ng bansang Azerbaijan sa timog - silangan, Turkey sa timog - kanluran at ng Krasnodar, Russia sa hilaga.
|
Kultura
Ekonomiya
Ang ekonomiya ng bansang Armenia ay binabase sa kanilang industriya: kemikal, mga produktong elektronik, makina, processed food, synthetic rubber at mga tekstiles.
Currency: 1 Dram = 0.002 EURO GDP: $10.066 billion GDP growth: 3.8% GDP per capita: $2.991 GDP by sector: agriculture (19.2%), industry (40.8%), services (40%) (2012 est.) Inflation (CPI): 7.7 % Population below poverty line: 35.8% Gini coefficient: 30.9 Labour force: 1.194 million Labour force by occupation: services (44.2%), industry (16.8%), agriculture (39%) Unemployment: 19.0% |
Ang malaking reserba ng langis ay isang sektor kung bakit maganda ang ekonomiya ng Azerbaijan. Ang kanilang opisyal na pera, ang Azerbaijan Manat, ang naging stable na taong 2000.
Currency: 1 Manat = 100 qəpik GDP Nom.: $68.8 billion GDP growth: 0.2% GDP per capita: $10,200 GDP by sector: agriculture (5.5%), industry (62.7%), services (31.8%) Inflation (CPI): 1.1% Population below poverty line: 11% Gini coefficient: 36.5 Labour force: 6.12 million Labour force by occupation: services (49.6%), industry (12.1%), agriculture and forestry (38.3%) Unemployment: 1.0% |
Kahit pa naapektuhan ang bansa dahil sa civil strife taong 1990s, dahil sa tulong ng IMF at ng World Bank, nagawang itayo ng Georgia ang kanilang ekonomiya simula taong 2000.
Currency: 1 GEL = 100 tetri GDP: $26.52 billion GDP growth: 6.2% GDP per capita: $5,900 GDP by sector: Industry – 17.3%; Trade – 17.3%; Transport & Communication - 10.6%; Agriculture - 9.3%; Construction - 6.2% Inflation (CPI): -0.9% Population below poverty line: 9.2% Gini coefficient: 42.0 Labour force: 1.959 million Labour force by occupation: Agriculture: 52,2%; Services: 41.3%; Industry: 6.5% Unemployment: 15.1% |