ChinaKabisera: Beijing
Uri ng Gobyerno: communist party- led state Mga tanim: Bigas (Rice), Trigo (wheat), Patatas (potato), Tsaa (tea), Sorghum, Mani (peanuts) Industriya: Steel, Textiles, Iron Mamamayan: Chinese Wika: Mandarin, Chinese, Minbel Relihiyon: Buddhismo, Daoist |
Kasaysayan Sa katotohanan, madalang na makitang malinis ang kasaysayan ng Tsina, hindi katulad ng palagiang inilalahad, at madalang din talaga para sa isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at kaagad at matiwasay na nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang naitatag ang mga dinastiya bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila.
Dinastiyang Chin Pinaniwalaan ni Qin Shi Huang, ang unang emperador ng Imperyong Tsina/ dinastiyang Qin, na magtatagal ang kaniyang imperyo ng may 10,000 salinlahi. Subalit nang mamatay siya, nagkaroon ng isang pag-aalsang nagpaalis sa kaniyang anak na lalaki mula sa palasyo, kaya't napalitan ng isa pang emperador. Mayroong ganitong mga paghihimagsik sa loob ng 20,000 mga taon, na nagaganap kapag mahina o mahigpit ang isang emperador. Ayon sa kasabihang Intsik, nawawala ang pagtangkilik ng Kalangitan kapag napalitan ang isang naghaharing mag-anak o angkan. Dinastiyang Song: Paglaganap ng mga Imbensyon Isa namang gintong kapanahunan ng sining at agham sa Tsina ang dinastiyang Song, na naghari ng may 300 taon. Sa panahong ito naimbento ang nagagalaw na mga panlimbag kaya't nalathala ang mga malalaking ensiklopedya sa Tsina; lumaganap ang panitikan at mga dibuho ng mga tanawin; unang ginamit dito ang pulbos na para sa mga baril; at ginamit ang mabatobalaning kompas para sa paglalakbay sa karagatan. Subalit mahina ang kakayahang militar ng dinastiyang Song, kaya nasakop ang Tsina ng mga Mongol na galing sa Mongolia. Dinastiyang Yuan: Panahon ng mga Mongol Sa kalagitnaan ng ika-13 daantaon, nilusob ng mga dayuhang Mongol ng Gitnang Asya ang Tsina. Ito ang unang pagkakataong nasakop ng mga banyaga ang Tsina. Pinamunuan ni Genghis Khan ang pananakop ng Tsina, halos kabuoan ng Asya, at Hilagang Europa. Ang apo ni Genghis Khan, na si Kublai Khan, ang nagpatuloy sa paglusob sa Tsina, at naging emperador ng Tsina noong 1260 at itinayo ang Dinastiyang Yuan. Ginusto at minahal ni Kublai Khan ang mga gawi at kaugaliang Intsik. Tinangkilik niya ang mga paaralang maka-Confucius. Noong panahon niya nakarating si Marco Polo sa Tsina, na nanirahan sa bansa sa loob ng maraming mga taon at nagsulat ng patungkol dito. Subalit, bagaman namuhay na parang isang emperador na Intsik si Kublai Khan ng may 100 taon, naghimagsik ang mga Intsik laban sa mga Mongol noong 1368, kaya't nailunsad ang dinastiyang Ming. Dinastiyang Ming: Ang Huling Dinastiyang Tsino Sa ilalim ni emperador Yongle ng dinastiyang Ming, napalayas ang mga Mongol mula sa Tsina patungong Siberia. Naging makapangyarihan ang hukbong pandagat ng dinastiyang ito, na nakarating magpahanggang Aprika. Tumagal ang dinastiyang ito ng may 3 daantaon. WikaAng Classical Chinese ang ginamit na wikang pasulat ng mga Tsino sa mahabang panahon. Subalit, ito ay para lamang sa parmga iskolar at matatalino na bumubuo ng pinakamataas na uri ng lipunan na tinatawag na Shi Da Fu. Ang Four Great Classical Novels ng China ay isinulat sa disnastiyang Ming at Qing. Ang pagiimprinta ng mga gawang Tsino ay nagsimula sa dinastiyang Song.
Musika, Literatura at SiningAng dinastiyang Zhou ang kinikilalang simula ng paglaganap ng literaturang Tsino. Ang Five Cardinal Points ang naging pundasyon ng halos lahat ng mga itinuturo sa mga paaralan.
Ilan sa mga naisulat na musika ay galing pa sa panahon ni Confucius. Ang pinakasentro ng musika ng Tsina ay para sa qin ng dinastiyang Tang. Ang paggawa ng porselana ay ang isa sa mga pinakaunang parte ng panahong Paleolitiko. Ang mga musika at tula ng bansa ay naimpluwensyahan ng Book of Songs at ng manunulat na si Qu Yuan. |
Ano ang Mahabang Muog ng Tsina (Great Wall of China)?
|