MongoliaKabisera: Ulaan Bataar
Uri ng Gobyerno: Parliamentaryo Mga tanim: Trigo (Wheat), Barley, Patatas (Potatoes) Industriya: Paggawa ng mga materyal para sa konstraksyon, mga pagkain at inumin, pagmimina Mamamayan: Mongol Wika: Khalka Mongol, Turkic/Turkish Relihiyon: Buddhismo, Tibetan |
Kasaysayan
Pinagharian ng iba't-ibang imperyong lagalag, kasama na rito ang Xiongnu, Xianbei, Rouran, Gokturk at iba pa ang lugar na sakop na ngayon ng Monggolya. Itinayo ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol noong 1206. Matapos bumagsak ang Dinastiyang Yuan, bumalik sa sinaunang nilang kaugaliang pagtutunggalian ang mga Mongol at madalas na pananalakay sa mga lupaing nasa hangganan nito sa China. Noong ika-16 at ika-17 siglo, napasailalim ng impluwensiyang Budismong Tibetan ang bansa. Sa pagsasara ng ika-17 siglo, napaloob ang buong Monggolya sa teritoryong pinamumunuan ng Dinastiyang Qing. Sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1911, nagdeklara ng kasarinlan ang Monggolya ngunit kinailangan nitong sikapin hanggang 1921 upang matamo at maitatag ang de factong kalayaan nito mula sa Republika ng Tsina at hanggang 1945 upang kilalanin sa buong mundo ang kalayaan nito.
|
Sino ba si Genghis Khan?Siya ang nagtatag ng Imperyong Mongol, ang pinakamalaking kumpol na imperyo sa kasaysayan ng daigdig. pinagkaisa niya ang mga tribong Mongol at tinatag ang makapangyarihang sandatahang lakas batay sa meritokrasiya, upang maging pinakamatagumpay na pinunong militar sa kasaysayan. Sinakop ng kaniang imperyong ang Republikang Popular ng Tsina, at kanyang itinatag ang Dinastiyang Yuan. Siya ay namatay habang nakikidigma sa Kanlurang Xia noong 1227. Ang nagtuloy ng pagtatag ng Dinastiyang Yuan ay ang kaniyang apo na si Kublai Khan.
|
Heograpiya
Ang bansa ng mga Mongol, ang Mongolia, ay matatagpuan sa gitna ng Russia at ng China. Ang Hüiten Peak sa kanluran ng bansa ay ang pinakamataas na lupain na umaabot ng 4, 374 metro. Ang klimang nararanasan sa bansa ay malamig at tuyot na may mahahabang panahon ng tag - lamig at sandaling panahon ng tag - init. Iba ang halagang natatanggap ng Hilaga sa Timog pagdating sa ulan. Mayroon ding nararanasan na pagbagyo ng nyebe sa Mongolia tuwing tag - lamig. Ito ay namiminsala sa bansa na kumikital sa buhay ng mga Mongol at sumisira sa kanilang mga pananim at tirahan.
Kultura
Pagkain, Pananamit at LiteraturaAng mga pagkain sa bansang Mongolia ay nababase sa mga karne at mga pagkaing gawa sa gatas. Simula noong kalagitnaan ng 20th century, nagsimulang lumaganap ang pagkain ng mga gulay.
Ang deel o kaftan ay ang tradisyunal na damit ng mga Mongol at karaniwang sinusuot tuwing araw ng paggawa at mga mahahalagang okasyon. Ang pinakamatanda at pinkasikat na literatura ng mga Mongol ay ang The Secret History of the Mongols. |
RelihiyonNoong 17th century, naging dominante sa bansa ang Tibetan Buddhism. Ang nasabing relihiyon ay isang relihiyon kung saan sumasamba sila ng maraming diyos. Ito ang naging ugat ng paggawa ng mga relihiyosong bagay tulad ng larawan at mga nililok. Taong 1930, opisyal na tinanggal ang mga relihiyong Buddhismo at Shamanismo. Simula noong 1900s, sinubukang palaganapin sa bansa ang Kristyanismo. Apat na bahagdan ng populasyon ng Mongolia ay mga Muslim.
Paniniwala at PamahiinAng mga Mongol ay naniniwala sa konsepto ng swerte at malas. Sila ay naniniwala na ang pag - apak sa mga bagay na sagrado sa diyos at ang pag - lapastangan sa isang lugar ay magbibigay sa kanila ng kapahamakan. Minsan, pinipintahan nila ng uling ang mga noo ng bata upang maisahan ang mga masasamang espiritu na hindi ito isang bata kung hindi ay isang kuneho na may itim na buhok.
Kapag sila'y dadaan sa mga ovoos sa kanilang paglalakbay, nagaalay ang mga Mongol ng mga matatamis na pagkain upang magkaroon ng magandang biyahe. Para sa isang bata, ang pinaka - malaking selebrasyon ay ang kaniyang unang paggupit ng buhok (haircut) imbes na kaniyang kaarawan. |
EkonomiyaPera: 1 tögrög (MNT) = 100 möngö
Ang ekonomiya ng Mongolia ay tradisyunal na binabase sa agrikultura. Ang bansa ay may mga mineral tulad ng copper, coal, molybdenum, tin, tungsten, at gold. GDP = Growth Domestic Product GDP growth : 17.3% (2011 est.) GDP per capita : $4,800 (2011, PPP) GDP by sector agriculture : 15.8%, industry: 32.6%, services: 51.6% (2011 est.) Inflation (CPI) : 9.5% (2011 est.) Population below poverty line : 39.2% (2010 est.) Gini coefficient : 36.5 (2008) Labour force by occupation agriculture : 33.5%, industry: 11.5%, services: 55% (2010) Unemployment : 9.9% (2010) |