Korea
"Choson"
'Lupain ng mapayapang umaga'
North KoreaKabisera: Pyong Yang
Uri ng Gobyerno: Komunista Mga tanim: Bigas (rice), Mais (corn), Patatas (potatoes), Pulses Industriya: Electric power, Metallurgy Mamamayan: North Korean Wika: Korean Relihiyon: Buddhismo, Confucianismo |
Ang Demokratikong Republikang Popular ng Korea ay isang bansa sa Silangang Asya, sinasakop ang kalahati ng hilagang bahagi ng Tangway ng Korea.
|
South KoreaKabisera: Seoul
Uri ng Gobyerno: Republika Mga tanim: Bigas (rice), Rootcrops, Barley, Gulay (vegetables), Prutas (fruits) Industriya: Electronics, Chemicals, Ship buildings, Motor vehicles Mamamayan: South Korean Wika: Korean, English Relihiyon: Buddhismo, Kristiyanismo |
Ang Timog Korea, pantungkulin Republika ng Korea ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya, sa katimogang kalahati ng Tangway ng Korea.
|
Kasaysayan
Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at tinutukoy minsan bilang "Korea". Nanatiling Kumunistang estado ang Hilagang Korea, sinusuportahan ng Unyong Sobyet, kadalasang sinasalarawan bilang Stalinista at totalitaryan. Maaaring kumatawan ang Watawat ng Pagsasanib sa mga pandaigdang labanang pampalakasan, ngunit hindi ito ang opisyal na watawat ng Timog Korea o Hilagang Korea.
North Korea
Sa lokal na katawagan, karaniwang tinatawag na Pukchosŏn. Nang matalo ang bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nawala sa Japan ang Korea. Hinati ng UN ang administrasyon ng Korea sa dalawang matagumpay na bansa ng Allied Forces. Sa itaas ng 38th parallel, pinamunuan ito ng USSR habang pinamunuan naman ng US ang ibaba. Nang sumiklab ang labanan sa dalawang panig, matapos ang dalawang araw, iniutos ng presidente ng US na tulungan ng mga sundalo ng bansa ang mga South Korean. Kahit pa tinulungan sila ng US ay nanaig parin ang North Korea. Kamuntik nang masakop ng North Korea ang buong bansa sa dalawang buwan pa lang na digmaan. Ngunit hindi nakapasok ang hukbo sa Busan Perimeter at unti - unting pumabor ang laban sa South Korea. Pagdating ng Setyembre at Oktubre ng 1950, naiusog ng South Korea at US ang hukbo ng North Korea sa itaas ng 38th parallel at sa hangganan ng Tsina. Natapos ang digmaan noong ika-27 ng Hulyo, 1953.
South Korea
Karaniwang tinatawag na Hanguk Namhan ng mga taga-Timog Korea. Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: ang Digmaang Korea, and deka-dekadang pamamahalang authoritarian, at pagpapalit ng konstitusyon nang limang beses. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga tropa ng Unyong Sobyet at Estados Unidos ay kinontrol ang kalahating hilaga at kalahating timog ng bansa.Ang dalawang magkalaban sa Cold War ay bumuo ng pamahalaang simpatetiko sa kanilang mga sariling mga ideyolohiya, na nagdulot sa Korea upang mahati sa dalawang pulitikal na bansa; ang Hilagang Korea at Timog Korea. Noong Hunyo 25, 1950, sinakop ng Hilagang Korea ang Timog na nagdulot ng Digmaang Koreano. Pagkatapos ng malaking paglusob ng parehong panig, ang digmaan ay lumaon umabot sa patas. Ang kasunduan noong 1953, na hindi nilagdaan ng Timog Korea, na humati sa tangway sa gitna ng isang demilitarized zone na malapit sa orihinal na demarcation line. Wala talagang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan, at ang dalawang bansa ay teknikal pa ring nasa digmaan.

Heograpiya
North Korea
Napapaligiran ng tatlong bansa ang Hilagang Korea. Sa timog sa DMZ, naroon ang Timog Korea, na nakabuo ng isang bansa hanggang 1948. Ang Tsina ang karamihan ng hilagang hangganan nito. Mayroon naman mga 19 km hangganan ang Russia sa Ilog Tumen sa malayong hilaga-silangang sulok ng bansa. Naapektuhan ang bansa ng hangin mula sa Siberia na nagbibigay ng tuyot at napakalamig na tag - lamig at mainit at maulan na tag - init.
South Korea
Sa Kanluran ng bansa ay matatagpuan ang Yellow Sea, sa Timog ang East China Sea at sa Silangan ang Ulleung-do at Liancourt Rocks sa Dagat Hapon. Ang mga isla ng Japan na Honshu at Kyushu ay matatagpuan 200 kilometro sa Timog - Silangan ng Korean Strait at ang Shandong Peninsula ng Tsina ay makikita 190 kilometro sa Kanluran. Ang hangganan ng bansa sa Hilaga ay ang Korea Bay at ang Korea Strait at Yellow Sea sa Timog. Dahil sa East Asian Monsoon, nakararanas ang South Korea ng apat na uri ng panahon.