Respeto sa kultura at tradisyon ng bawat isa
Ang moralidad, kalinisan ng ugali, kalinisang-asal, o kasanlingan ay ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama at mali. Ito ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal. Ang pagtanggap at paggalang sa mga ito ay isang mahalagang hakbang upang buksan ang iyong isip sa mundo, sa paligid mo at natatanging mga pagkakaiba ng lahat.
Kung alam mo ang mga tao mula sa iba't ibang kultura, makipag-usap sa kanila. Ito ay makakatulong sa iyo na maunawaan at magsanay ka iba't ibang mga bagayPagbuo ng pagkakaibigan sa mga mula sa iba pang mga kultura ay maaaring maging isang talagang mahusay na karanasan.
Kooperasyon, Tamang Komunikasyon at Kaalaman ng Mamamayan at Gobyerno
Kailangang magkaroon ng koneksyon sa pagitan ng gobyerno at mga mamamayan. Kinakailangang magtulungan upang mapaunlad ang bansa at makatulong din sa pagpapaunlad ng asya. Ang isang responsableng mamamayan ay sumusunod sa batas at gumagawa ng mabuti. Ang pagsirkula ng pera at paggamit nito ay makakatulong ang tao para makalipon ng pera para maging tax na ginagamit ng gobyerno para sa kanialang proyekto na makakatulong sa ating bansa.
Pangangalaga ng likas na yaman
Sa pinakasimpleng paraan, makakatulong tayo sa pangangalaga at pag- restore ng ating mga likas na yaman sa pamamagitan ng pagkakaroon ng DISIPLINA. Dahil ang ating likas na yaman ay ang biyaya ng Diyos sa sangkatauhan, nararapat lamang na pangalagaan natin ito at ito ay maituturing na isa sa mga paraan para magpakita ng pagmamahal at pagrespeto sa KANYA. Maraming paraan ng pangangalaga sa likas na yaman. Kailangan lang natin imulat ang ating mga mata sa katotohanan.
- Huwag gumamit ng ilegal na paraan ng panghuhuli ng isda. (Dinamita, Cyanide etc.)
- Kung puputol ng puno, magtanim muli.
- Ugaliing magtapon ng basura sa tamang tapunan at hindi kung saan-saan lamang.
- Wag magtatapon o magiiwan ng kalat sa mga anyong tubig.
- Wag natin sasaktan ang mga hayop.
Puerto Princesa Underground River: New 7 Wonders of Nature !
Ito ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa Palawan, Pilipinas. Matatagpuan ito sa 50 kilometro hilaga ng lungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa
Pagbabahagi ng Kaalaman at Kasanayan
Bawat isa ay may sariling talento at kakahayan at maari nya itong ibahagi sa iba. Hindi dapat solohin ang mga biyayang ito ng Diyos. Ito ay makakatulong sa atin, sa ating kapwa at sa pag-unlad ng bansa at ng asya na iyong pinagmulan. Sa panahon ngayon, marami ng Pilipino ang nakagagawa ng pangalan sa ibang bansa dahil sa kanilang angking galing!
Lea Salonga
Siya ay isang Pilipinang mang-aawit at aktres na naging bantog dahil sa kanyang pagganap sa musikal na Miss Saigon, kung saan siya ay nagwagi ng Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at Theatre World Awards, ang kauna-unahang nanalo sa iba't ibang international awards para sa iisang pagganap. |