QatarKabisera: Doha
Uri ng Gobyerno: Tradisyunal na Monarkiya Mga tanim: Industriya: Crude oil production and refining, Petrochemicals Mamamayan: Qatari Wika: Arabic, English Relihiyon: Islam, Hinduismo |
Saudi ArabiaKabisera: Riyadh
Uri ng Gobyerno: Diktatoryal/Komunismo Mga tanim: Wheat, Barley, Citrus, Tomatoes, Dates, Melons Industriya: crude oil production, cement Mamamayan: Arab Wika: Arabic Relihiyon: Islam |
Kasaysayan
Dating pinamumunuan ng mga sheiks ng Bahrain ang Qatar ngunit sa taong 1867 nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga pinuno at mga nasasakupan. Para mapanatili ang kapayapaan sa Golpo ng Persia, itinalaga ng mga Briton si Muhammad ibn Thani al-Thani bilangang pinuno ng bansa. Taong 1991, pinahintulutan ng bansa ang mga internasyonal na hukbo upang gamitin ang Qatar bilang base sa digmaan ng Golpo ng Persia. Ipinakilala ng bansa ang kanilang unang konstitusyon noong ika-9 ng Hunyo, 2005. Napapaloob sa konstitusyon ang kalayaang magpakita ng damdamin, pagpili ng relihiyon at ang 45-seat parliament. 30 sa mga ito ay itatalaga gamit ang malayang botohan habang ang natitira'y itatalaga ng emir. Umalis sa pwesto bilang punong ministro ng Qatar si Sheik Abdullah bin Khalifa Al Thani noong Abril 2007. Itinalaga naman ng emir si Sheik Hamad bin Jassem al Thani bilang kapalit ng dating ministro. Noong June 25, 2013, umalis ng pwesto si Emir Sheikh Hamad ibn Khalifah Al Thani bilang emir at ang pumalit sa kanya ay ang ikaapat niyang anak na si Sheikh Tamim bin Hamad bin Khalifa Al Thani, 33 taong gulang. Itinalaga na ng bagong emir ang kanyang gabinete at si Sheikh Abdullah ibn Nasser ibn Khalifah Al Thani bilang bagong punong ministro.
|
Ang Saudi Arabia ay hindi lamang pinaniniwalan na tahanan ng mga Arabo dahil pinaniniwalaang nagmula ang mga unang Arabo sa Tangway ng Arabia kung hindi ang tahanan ng ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo, ang Islam. Itinatag ni Muhammad ang Islam sa Saudi Arabia at dito rin makikita ang dalawang pinakabanal na lugar ng Islam, ang Mecca at Medina. Marami nang nagtangkang sakupin ang bansa ngunit sa taong 1517, ang imperyong Ottoman ang naging dominante. Taong 1745, nagsimulang magtawag para sa pagbabago ng Islam si Muhammad ibn 'Abd al-Wahhab at ang kilos-Wahhabi ay lumaganap sa buong Arabia. Taong 1811, ang mga pinuno ng Wahhabi ay nagsimula ng isang jihad o isang digmaang pangrelihiyon laban sa mga taong naniniwala sa ibang bersyon ng Islam. Ngunit sa taong 1818, natalo ng mga Ottoman at ng kanilang mga kakamping Ehipto ang mga Wahhabi. Ang kaharian ng Saudi Arabia ay nilikha ni Haring Ibn Saud. Galing si Saud sa pamilya ng mga pinunong Wahhabi. Sinakop niya ang Riyadh taong 1901 at itinalaga niya ang sarili bilang pinuno ng kilos-Arab. Taong 1906, napalawak na ni Saud ang kanyang kaharian sa Nejd at nasakop niya ang Hejaz taong 1924-1925. Ang Hejaz at Nejd ay ipinagsama upang mabuo ang Kaharian ng Saudi Arabia taong 1932.
|
Ang Sinaunang Syria ay nasakop ng mga Ehipto taong 1500 BC at pagkatapos, nasakop naman sila ng mga Hebrew, Assyrian, Chaldean, Persian at ni Alexander the Great. Mula 64 BC hanggang sa 636 AD, ito'y naging parte ng imperyong Romano. Ginawa itong isang sentro ng kalakalan ng mga Arabo ngunit ito'y nasira ng husto sa panahon ng pananakop ng mga Mongol taong 1260. Napasakamay ng Ottoman Turks ang bansa taong 1516. Naging isang probinsya ng Turkey ang Syria hanggang sa Unang Digmaang Pandaigdig. Isang lihim na Anglo-French na kasunduan ang nagpalagay sa Syria sa ilalim ng France. Taong 1930, itinalaga ng France ang Syria bilang isang bansang maaaring magsarili ngunit dapat paring silang sumunod sa mga batas ng France. Taong 1939 ay sinuspende ng pinakamataas na komisyoner ng France and konstitusyon ng Syria. Taong 1941, sinakop ng mga Briton at mga malayang Prances ang Syria upang mawakasan ang pamumunong Vichy. Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanatiling isang baseng pang - Allied Forces ang Syria. Taong 1958, itinatag ng Syria at Egypt ang United Arab Republic kung saang namuno bilang pangulo si Gamal Abdel Nasser. Naging malaya muli ang Syria noong September 29, 1961 matapos ang isang rebulosyon. Taong 1967, habang nagaganap ang digmaang Arab-Israeli, sumanib ang Syria sa Egypt para atakihin ang Israel. Taong 1982, matapos ang ilang digmaan laban sa Israel, nanatili ang ilang Syrian sa Lebanon upang doon na mamuhay.
|
Heograpiya
Ang bansang Qatar ay matatagpuan sa isang maliit na tangway na umaabot sa Golpo ng Persia mula sa silangang bahagi ng Tangway ng Arabia. Matatagpuan sa kanluran ng bansa ang Saudi Arabia at ang United Arab Emirates sa Timog. Nakararanas ang bansa ng dalawang klima: tag - init at tag - lamig.
|
Malaking bahagi ng Tangway ng Arabia ang nasasaklaw ng Saudi Arabia. Matatagpuan ang Red Sea at Golpo ng Aqaba sa kanluran at ang Golpo ng Persia sa silangan. Ang mga bansang nakapalibot dito ay Jordan, Iraq, Kuwait, Qatar, ang United Arab Emirates, ang Sultanato ng Oman, Yemen, at Bahrain. Matatagpuan sa Saudi Arabia ang disyertong Rub Al-Khali o ang The Empty Quarter. Ang rehiyon kung saan makikita ang mga langis sa bansa ay nasa mga probinsya sa silangan malapit sa Golpo ng Persia.
|
Ang bansang Syria ay mas malaki ng kaunti sa North Dakota at makikita sa silangang bahagi ng Dagat Mediterano. Napalilibutan ito ng Israel at Lebanon sa kanluran, Turkey sa hilaga, Iraq sa silangan at Jordan sa timog. Sa silangang bahagi ng bansa ay katatagpuan ang Disyerto ng Syria at sa timog ang Jebel Druze Range. Pinakamataas sa bundok sa bansa ay ang Bundok Hermon na makikita sa hangganan ng Lebanon.
|
Kultura
Ekonomiya
Petrolyo ang pangunahing produkto ng bansang Qatar. Ang bansa ay nagtabi na ng 15 bilyong lalagyan ng langis na naglalayong panatilihin ang magandang ekonomiya ng bansa ng 23 taon.
Currency: Qatari riyal GDP: $181.7 billion GDP growth: 18.7% GDP per capita: $102,700 GDP by sector: Agriculture (0%), Industry (79%), Services (20.9%) (2011 est.) Inflation (CPI): 2.8% Population below poverty line: 0% Labour force: 1.32 million Unemployment: 0.4% |
Ang bansang Saudi Arabia ay isang bansang may ekonomiyang base sa langis. Ang bansa ang may hawak ng 18 bahagdan ng reserbang petrolyo at pinakamalaking eksporter ng petrolyo sa mundo.
Currency: Saudi Riyal (harr) GDP: $906.8 billion GDP growth: 5.13% GDP per capita: $31,275 GDP by sector: agriculture: 3.2%; industry: 60.4%; services: 36.4% (2009 est.) Inflation (CPI): 2.90% Labour force: 7.63 million (2009 est.) note: about 80% of the labor force is non-national Labour force by occupation agriculture: 6.7%; industry: 21.4%; services: 71.9% Unemployment: estimated 10% |
Ang ekonomiya ng bansang Syria ay binabase sa agrikultura, langis, industriya at mga serbisyong inihahatid ng mga mamamayan. Dahil sa Syrian Civil War, bumaba ang ekonomiya ng bansa sa mga taong 2011 hanggang 2012.
Currency: Syrian pound (SYP) GDP: $64.7 billion GDP growth: -14% — -20% GDP per capita: $5,100 GDP by sector: Agriculture (16.9%), Industry (27.4%), Services (55.7%) Inflation (CPI): 30% Population below poverty line: 11.9% Labour force: 5.642 million Labour force by occupation: Agriculture (17%), Industry (16%), Services (67%) (2008 est.) Unemployment: 12.3% |