KasaysayanMatatagpuan ang Taiwan sa silangan ng Kipot ng Taiwan, sa dakong timog-silangang baybayin ng Punong-lupain ng Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, pangkat ng mga pulo ay sumailalim sa pamamahala ng Republika ng Tsina. Pinamamahalaan ang grupo ng pulo ng Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) mula 1945 nang natamo ng ROC ang Taiwan mula sa Hapon bilang bunga ng Ikalang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng apat na taon, natalo sa Digmaang Sibil ng Tsina ang ROC sa Partido Komunista ng Tsina at umurong sa Taiwan. Ngayon, ang Taiwan ang bumubuo sa karamihan ng teritoryo ng ROC at ang ROC mismo ay karaniwang kilala bilang "Taiwan". Ang Taiwan ay kasapi sa Apat na Tigre ng Asya.
|
Ano ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban.
|
Heograpiya
Ang Taiwan ay matatagpuan 180 kilometro timog - silangan ng Tsina sa may Taiwan Strait. Napalilibutan ito ng East China Sea sa Hilaga, Philippine Sea sa Silangan, Luzon Strait sa Timog at South China Sea sa Timog - Kanluran. Binubuo ng Taiwan ang 99 bahagdan ng Republika ng Tsina. Ang Taiwan ay nabuo sa hangganan ng Philippine Sea Plate at ng Eurasian Plate. Nakararanas ang bansa ng Humid Subtropical Climate na naapektuhan ng East Asian Monsoon.
Kultura
EkonomiyaAng Taiwan ay ang ika-19 sa pinakamalaking ekonomiyang developed capitalist dahil sa Purchasing Power Party o PPP, ika-18 sa mundo pagdating sa GDP at ika-24 sa nominal GDP sa palitan ng investment at produkto sa ibang bansa sa Republic of China.
Pera: New Taiwan dollar (NT$) 1 USD = 29.82 TWD (April 2013)(2007 avg. exchange rate)GDP Nominal: $466.8 billion (2011 est.)
PPP: $887.3 billion GDP per capita Nominal: $18,300 (2010) PPP: $38,200 (2011 est.) GDP by sector: (2009) services (tertiary) (69.2%) industry (secondary) (29.2%), agriculture (primary) (1.6%) Inflation: (CPI) 1.4% (2011 est.) Population below poverty line: 1.16% (2010 est.) Labour forc:e 11.2 million (2011 est.) Labour force by occupation agriculture: (5.2%), industry (35.9%), services (58.8%) (2011 est.) |
RelihiyonAng paniniwala sa relihiyon ng mga Taiwanese ay ang pinaghalong - halong Buddhismo, Taoismo, Chinese folk religion at maging ang pagsamba sa mga ninuno. Naging aktibo ang mga Kristiyanong simbahan sa bansa lalo na ang Protestantismo. 93 bahagdan ng kabuuang populasyon ay Buddhismo-Taoismo, 4.5 bahagdan ay Kristiyano at 2.5 bahagdan ang ibang relihiyon.
Pagkain at WikaNaimpluwensyahan na ng kulturang Taiwanese ang mga bansa sa Kanluran tulad ng Pearl Milk Tea na kilala din sa tawag na bubble tea o boba. Ang mga pagkain sa bansa ay impluwensya ng mga probinsya sa Gitna at Timog Tsina lalo na sa probinsya ng Fujien o Hokkien. Maaaring ang sanhi nito ay ang malaking bilang ng mga Tsinong lumipat sa Taiwan matapos ang Chinese Civil War at dahil din pinamunuan ng ROC ang bansa.
Karamihan sa mga taong naninirahan sa bansa ay nagsasalita ng Mandarin Chinese at Taiwanese. Ang wikang Hakka ay ginagamit ng mga Hakka na bumubuo ng 10 bahagdan ng populasyon. Ilan sa mga salitang Hapon ang ginagamit pa rin sa kanilang wika. |