TurkmenistanKabisera: Ashgabat
Uri ng Gobyerno: Republika na may Authoritarian na namumuno Mga tanim: Cotton, Grain Industriya: Natural gas, Langis at mga proukto ng langis Mamamayan: Turkmen Wika: Turkmen Relihiyon: Islam, Eastern orthodox |
Kilala ang Turkmenistan bilang:
"Lupain ng magsasakang Turko" |
UzbekistanKabisera: Tashkent
Uri ng Gobyerno: Republika na may Authoritarian na namumuno Mga tanim: Cotton, Prutas, Gulay at Grain Industriya: Textiles, Food processing, Machine building, Metallurgy, Mining, Hydrocarbon, Extraction, Chemicals Mamamayan: Uzbek Wika: Uzbek Relihiyon: Islam, Eastern orthodox |
Kilala ang Uzbekistan bilang:
"Sentro ng Sinaunang Ruta ng Kalakalan" |
Kasaysayan
Nagsimula ang kasaysayan ng bansang Turkmenistan sa panahong 500 BC nang sakupin ito ng imperyong Achaemenid. Noong 300 BC ay tinalo ni Alexander the Great ang mga Achaemenids at nagtayo ng isang lungsod sa bansa na kanyang pinangalanang Alexandria. Ang lungsod ay naging Merv kalaunan. Pitong taon ang nakalipas at namatay si Alexander the Great at hinati ng kanyang mga heneral ang imperyo. Noong 7th siglo, ipinakilala ng mga Arabyano ang relihiyong Islam sa bansa kasabay ng pananakop ng mga Oguz Turks sa kanluran ng Turkmenistan. Itinatag ng Oguz ang imperyong Seljuk na may kabiserang Merv noong taong 1040. Nawasak ang imperyong Seljuk taong 1157 at ang bansa'y pinamunuan ng mga Khans ng Khiva nang 70 taon hanggang sa pananakop ni Genghis Khan. Taong 1221 ay sinunog ng mga Mongol ang Khiva, Konye Urgench at Merv. Si Timur ay naging sakim noong siyang nanakop taong 1370. Noong 1924, naitatatag ang Turkmen SSR. Idineklara ng bansa ang kanilang kalayaan taong 1991 sa pamumuno ni Niyazov.
HeograpiyaTurkmenistan
Ang Turkmenistan na dating kilala bilang Turkmenia ay napaliligiran ng Dagat Caspian sa kanluran, Kazakhstan sa hilaga, Uzbekistan sa silangan at Iran at Afghanistan sa timog. Mahigit sa 9/10 ng bansa ay disyerto na karamiha'y sakop ng Karakum. Ang disyertong ito ay isa sa pinakamalaking disyerto sa mundo na tinatayang may 360,000 square kilometro. Nakararanas ng matinding kontinental na klima ang bansa na sinasabing malamig. Ang tag - init na nararanasan dito tuwing Mayo hanggang Setyembre ay mainit at tuyot habang ang tag - lamig ay katamtaman at tuyot, bagamat malamig at basa sa hilaga. Uzbekistan Ang bansa ay makikita sa rehiyong sentral, sa pagitan ng Amu Darya at Syr Darya na kapwa mga ilog, sa dagat Aral at malapit sa bulubundukin ng Tien Shan. Ito'y napaliligiran ng Kazakhstan sa hilaga at hilagang kanluran, Kyrgyzstan at Tajikistan sa silangan at timog silangan, Turkmenistan sa timog kanluran at Afghanistan sa timog. Isinasama ng republika ang Karakalpakstan Autonomous Republic na may kabiserang Nukus. Ang bansa'y 1/10 na mas malaki sa California. Ang klimang nararanasan dito ay kontinental na may mainit na tag - init at malamig na tag - lamig. |
Ang pinakaunang natuklasang sibilisasyon sa bansang Uzbekistan ay ang mga Sogdiana, Bactria at Khwarezm. Ang imperyong Sogdiana ay nasakop ni Alexander the Great taong 327 BC. Taong 1220, sinakop ng hubong Mongol ni Genghis Khan ang bansa. Natalo ni Timur ang mga Mongol taong 1363. Matapos bumagsak ang mga Timurids, nahati ang bansa sa pamumuno ng mga Muslim na kilala bilang Khans. Pinamunuan ang Uzbekistan ng mga Khans nang 400 taon hanggang sa isa - isa silang bumagsak sa Russia sa taong 1850 hanggang 1920. Pinamunuan ng mga Russian ang bansa taong 1865. Idineklara ng bansa ang kanilang kalayaan mula sa mga Sobyet ika-31 ng Agosto, 1991. Idineklarang pangulo ng bansa si Islam Karimov.
Sino ba si Alexander the Great?Si Alexander III o mas kilala sa tawag na Alexander the great ay isang hari ng sinaunang griyego ng Macedonia. Ipinanganak siya noong 356 B.C. sa Pella, na siyang punong lungsod ng Macedonia. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si haring Philip II pagkatapos ng asasinasyon nito noong 336 B.C.. Siya ay namatay sa Babylonia noong 323 B.C. sa edad na 32 anyos. Ang kanyang batang isipan at kawalan ng karanasan ang siyang naghimok sa ibang pangkat ng Asya na pumanig sa kanya, pero hindi sumang ayon dito ang mga griyego kaya nagpakita siya ng agarang aksyon at disiplinang militar upang humanga ang mga griyego upang sumang ayon ang mga ito. Sinasabing namatay si Alexander sa dahilan ng pagkakasakit ng malaria, typhoid fever at encephalitis. Ang iba naman ay nagsasabing nilason sa Alak si Alexander ng mga kumakalaban sa kanya. Nakapag asawa siya ng dalawang prinsesa sa magkaibang bayan; Si prinsesa Roxana ng Bactria, at si prinsesa Stateira ng Persia.
|